Pangarap

Posted: 19/05/2009 in Opinionz, Thats life, Uncategorized

“Aaaayyy waaant tooo be eyy fireman!” Eto minsan ang maririnig ng mga guro sa kanilang elementary students kapag tinanong sila ng “What do you want to be when you grow up?” . Ang iba naman sa kanila ay alin man sa Teacher, Doctor, Nurse, Pilot at Police. Tapos sasabihin nila kung bakit ganun ang pinili nila. To some they want to help others, sa iba naman, naging inspirasyon nila ang mga taong gumagawa ng profession na yun. Simple, maayos at maganda. Pero ayun ay dahil bata pa sila.

Pagtungtong nila ng grade school mukhang sa iba retain pa rin nila ang gusto nilang pangarap sa iba naman nag-iiba dahil siguro mas may magandang profession silang nalaman. Dati ang pangarap ko ng bata pa ako ay maging isang scientist, gusto kong umimbento ng mga kakaibang bagay. Then after that nag-iba, naging pilot, nagsimula eto nung naglalaro ako ng isang jet fighter simulator sa Playstation. Then on highschool naman ginusto kong maging paleontologist (yung naghuhukay ng fossil) kasi interesado ako sa nakita ko sa Discovery channel. Pero ng naglaon hindi ko akalaing dadalhin aq ng isang online game sa pintuan ng computer science (at least natuloy yung scientist part).  Kasi ng elementary at highschool ako ayoko sa computer, wala ako alam sa mga software at I hate making powerpoints and excel projects. Siguro Gods will na din na pumatak ako dito. Madami ako natutunan at natuklasan, nuong una puro pag gawa lang ng isang game gusto ko pero ngayon I take my eyes on something better, a web designer. Natutuhan kong mahalin ang course ko and Im very proud na may natulungan na din ako na mga tao sa kanilang computer problems. Kahit puro math ang course ko, kung saan kulelat ako I strive to pass it kasi masaya ako sa course ko.

Few people survive highschool and only a handful stay at college, Im lucky kasi Im still one of those people. Maraming tao ang nangarap ng isang pangarap na mahirap abutin, yung iba hanggang pangarap na lang, yung iba hindi nag-eenjoy sa kanilang course kasi either pinili lang nila yun kasi malaki sweldo pag nakatapos or parents nila ang nagtulak sa kanila sa ganung course. So yung pangarap nila nung gradeschool unti – unting nalayo hanggang hindi na maabot. Maswerte ang ibang tao na kahit simple o vocational ang course, masaya naman.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s