Same ol’ shit, different day…

Posted: 08/06/2009 in Thats life

Nagtinda na naman ako sa araw na ito. Medyo puyat ako dahil 12:30 na ako natulog dahil sa kadudutdot ko ng laptop. Pangit yung dream ko pinapagalitan daw ako ni Nessa, takot pa rin ako sa babaeng ito. Nagising…Oh wait, let me rephrase that “Ginising” ako ni daddy ng 8:30 am para magtinda. Wait, wait, wait! Tama ba yung nadinig ko? Ako? Ako ang magtititnda?! Hindi kasi ako sanay or hindi naman talaga ako nagtitinda ng ako lang at yung helper plus pinilit pa, usualy nagkukusa akong magtinda pag nagustuhan ko kusa akong paparoon upang tumulong, hindi katulad ni Aga na pag narinig ang salitang “magtitinda” ay nakasimangot kaagad o kaya magrereklamo kapag hindi dumating ng oras si mommy. Anywho nawala na naman ako sa topic hehehe, pumunta ako kina tiya upang iprepare ang kinuha (kinupit) kong instamt noodle mula sa tindahan para kainin, kasama ng almusal ay pangaral mula kay daddy.

Daddy: dapat hindi ka nagpupuyat kasi nakakashrink ng utak yan.

Actually alam ko na yun dati pa na-search ko na yan sa Yahoo Answers kaya may memory game ako sa cellphone. Umupo si Kuya Lee Jay sa tabi namin upang mag-kape, siya naman ang ginisa ni daddy at tiya, sayang daw kasi kung aabsent sya. Well actually bakasyon na sya yun nga lang pinapatawag ulit sya kasi kulang ata tauhan. Ayan! nawala na naman ako sa topic. Pagkatapos kumain diretso tindahan, nakita ko si Aga nakaporma kala mo aatend ng J.S. Prom. Papasok pa lang inuulan na ako ng asar.

Aga: Masarap ang tulog? (evil grin)

Gen ……

Daddy: Pag di mo alam ang sukli icalculator mo na lang.

Gen: …….

Aga: Nakuha mo!

Gen: ……(makakarma ka rin.)

Nang makapasok ako sa counter napansin ko puro piso at 25 cents lang ang barya, for short pahirapang magsukli pag ang change ay consisting of 5 pesos. Malas. Hindi ako nagkamali medyo tricky kasi puro piso pero nagtagal ok na din. Umayos ayos na rin ako kasi naaliw ako sa pakikipag-usap sa katulong namin habang kumakain (kumukupit) ng candy. Di nagtagal nagtatae na ako (hehehe) sa sobrang candy. All is well…Until may bumiling matandang babae.

Matandang babae: (looking shock) Ah ah! Ang payat ng batang ito!

Gen: (Nakangiti lang) May sakit ho sa puso…

Matandang babae: Nako! Hindi ka pwedeng mag-asawa mamamatay ka! (Mukhang nandiri sakin)

Gen: (Medyo napikon Nakangiti lang)…..

Totoo yung sinabi nya payat ako kahit matakaw medyo nasaktan ako kasi wala pa nga ako girlfriend at medyo bawal mag-asawa. Wala ako magagawa kahit gusto ko siyang sipain sa ulo. Matanda, kailangang igalang, kelangang gamitin ang anger management na natutunan ko sa “Bad Boys 2” movie…Whooosah!

Bago umalis si daddy sabi nya madali lang sya mamimili lang daw si mommy at babalik din. Patay! Ang definition kasi nila sa “Madali” ay 4 pm ng hapon. No choice…Kelangang maghintay, buti na lang hindi ako nababato. Bata pa kasi ako sanay na akong mag-isa, hindi ako friendly dati. 4:30 pm nang dumating si mommy at daddy medyo tumulong pa rin ako, then nagpaalam na para umuwi muna sa bahay ng pinsan ko at magpahinga. Pag dating ko tulog ko si kuya Lee Jay, natulog na din ako dihl sa pagod nagising ako 7: 25 pm, naka-off lahat ng ilaw tulog pa rin si kuya Lee Jay. Dumating si Aga maporma pa din, nagising si kuya Lee Jay at naligo. Mamaya maya may narinig akong “WHOOOOO!” na animoy si Ric Flair, siguro sa lamig ng tubig. Aalis si kuya Lee Jay. Mwahahahaha! Laptop mode. Blog for the first time today.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s