Badtrip…

Posted: 05/06/2009 in Thats life

Ang malas ko naman ngayon, grabe…Dad texted me saying: “magtinda kayo ni aga matutulog muna ako” so again I have to be a responsible son, kinulit ko si Aga na abalang abala sa pagchachat, umaga pa lang nakadubdob na sa computer. So I went ahead to the store, dad looks tired, tinanong nya kung nasan si Aga sabi ko abala sa pagchachat. So I went on sa pagsusukli, mamaya maya nandun na si Aga…Nung nakaalis na si dady lumapit sakin si Aga.

Aga: Kuya anong oras ka uuwi?
Gen: 4 pm
Aga: (nakangiti) Liligo muna ako ha
Gen: Sus lilo daw, ang tagal na naman nyan…

Hindi ako nagkamali, mga 12 sya umalis at dumating ng 1:30 pm or so. Pero bago sya dumating marami na namang nangyari.

Babaeng Sekyu: Meron kayong bolpen?
Helper: Meron po…(sabay kuha ng ibat-ibang brand ng mga bolpen)
Babaeng sekyu: Magkano yung Pilot?
Helper: Php 24.00 poh
Babaeng sekyu: 24 na?! Dati kasi Php 22.00 yan dito eh
Gen: (Nuh magagawa mu nagtaas bilihin)
Babaeng sekyu: Pihikan kasi ako sa bolpen eh, wala ba kayong Pilot Grip…Yung kini-click?
Helper: Ay! wala po
Babaeng sekyu: Sige yun na lang pilot…Pwedeng iabot ko na lang yung dos bukas kulang kasi eh…
Helper: Bawal ho umutang eh…
Gen:(Sus! Kulang din pala pera)

Bata: Pabili nga po ng gel!
Helper: Anong kulay?
Bata: Blue po…
Gen: (factor na pala ang kulay sa effects ng gel)

Girl: Meron kayong portfolio?
Helper: oo meron anong kulay?
Girl: Red
Gen: (Isa pa to…)

Helper: toy, eto 7 pesos ang nakuha (sabay bigay ng Php 500.00)
Gen: (Patay!)

At sa walas dumating din si Agapot! Umupo sya…Nag-PSP. Halos ako pa rin ang nagtinda mamaya maya napansin ko wala na sya…Natutulog sa taas ang damuho. Life goes on…4:45pm tulog pa rin sya.

Helper: Ano toy kaya pa?
Gen: Kaya pa nag-flanax ako weh hehehe…
(Makalipas ang ilang minuto)
Gen: (Naghihingalo) Kaya khoooo phaaa!

Tumaas ako at ginising si Aga. Medyo napagod talaga ako, nung umaga maingay pa ako pero nanahimik ako ng pagod na…Para bang sinasabi ng utak ko na “wag ka na umimik conserve your energy” minasahe ko ang binti ko kasi halos hindi na ako makatayo…Swedish massage, effleurage ang tawag sa masaheng ginawa ko mwahahaha! Hindi ako makauwi kasi kawawa si Aga at naulan na din. Pero buti na lang dumaan mga pinsan kong sina Mayen at Rosegil para sumabay pauwi. Kala ko tapos na yung torture…Hindi pa pala. Pag dating ko lumapit si ate Mariz at sinabing “Genard, pinasak mo ba yung cable ng internet sa laptop mo, sabi ni Lee Jay baka kaya daw wala na silang internet eh pinapasok mo yung cable sa laptop mo” dito na pumutok ang butsi ko…

Haller! 3 months na sila hindi nagbabayad ng internet at kahit ipasok mo ng ipasok yung cable sa kahit anong laptop walang mangyayari sa duration ng internet mo, internet ang binabayaran hindi kung ilang pasak sa laptop!

Umalis kaagad ako dun…magpapahilot ng paa kay Ka Mina, masakit kasi. Medyo lumamig lang ulo ko ng hinahack ko na yung bagong pics ni Vanessa…Mwahahaha! Medyo mainit pa din ulo, kulang…Bitin

Leave a comment